niccolo sumisimoy ka ba kay niknik?
lagi ka nasa bahay nila sir chief ha

Playing Games in Korean 102 (long post)
Read More
honeyketchup:
neukki:
don’t lie dis is how u all jam to hajima
this~!
(Source: akdongs, via gomgomi)
What I think about Gangnam Style
i don’t consider Gangnam Style the best korean music, i admit it’s catchy…that’s it, after a while it gets annoying for me so i try not to listen to it as much as possible, if u want to hear great kpop songs go listen to busker busker, epik high or clazziquai or maybe other songs from psy? other artists? i dunno….i just tired of this song being so fucking over-hyped
i mean what the fuck is this?



even that shit-hole of a politician tried this like an idiot in one of his campaigns.
people who used to trash kpop, saying the music is shit or saying why do fans listen to it if we can’t understand shit, now says they love kpop just after listening to Gangnam style.
really? i mean what the fuck? i know a lot of kpop fans think this way. it’s not being selfish regarding kpop but i guess it’s on those people who were so dense about kpop music.
i guess the world likes what’s catchy, and maybe that’s also most famous songs are so fucking repetitive, RIHANNA ANYONE?
honestly i danced to this a couple of times for exercise cause it’s easy. that’s it. overall i would give this song 1/10…1 point cause i guess it’s good exercise.
PEOPLE I KNOW YOU LOVE GANGNAM STYLE BUT MAYBE LISTEN TO PSY’S OTHER SONGS, OTHER KPOP ARTISTS. I DON’T HATE PSY AT ALL AND I APPLAUD HIS GREAT SUCCESS, I’M JUST SPEAKING AS A FAN OF MUSIC THAT’S ALL.
*end rant*
—-Credits to the owner of the images used in this blog—-
Moo (blurb)
Nakita ko to kanina habang naghahanap ng mga pictures ng mga kinakain/iniinom ko nung bata pa ako…

Iniisip ko…
UI! May TANG NA MOO na pala talaga?
then nakita ko yung word na MELON sa baba
nadisappoint ako bigla

Wala namang melon na Tang e. Akala ko pa naman matutuloy na ang pinapangarap kong TANG na MOO :))..
Won’t you guys like it pag nalaman niyong nag-collab pala ang Selecta at Kraft para gawin ang Tang na Moo orange drink?

Di bale…umaasa parin ako…
at kung di man mangyari ang pinapangarap kong Tang na Moo….
Sana magkaron ng collab ang Kraft at Nestle para gumawa ng Tang na Mocha =))
Ohh diba????? :))
HAVEY!!!!

*Credits to the owner of the gif images*
Mental Block

Grabe…di ko alam kung ano magandang ipost :)) (so far panay pbb naipost ko)
Gusto ko mang mag post e di lang ako inspired.
Anu ba magandang INSPIRATION?

Yung totoo…mga babae sa bahay ni kuya..maliligalig (short)
Nababastusan na ko sa ugali ni Karen :-/

Ineng makipagusap ka naman ng maayos please…alam kong galit ka pero wag naman ganyan..huminahon ka ‘teh….di muna kasi inaalam lahat ng detalye bago magalit e…..tsk….
Napansin ko yung nangyari halos similar sa away nila ni Claire, nung huli ganon din ang end ng away…(at least nag end)…pero grabe…ang pplastik nila ha…
Naintindihan ko rason niya kng bakit mas pinipili niyang makasama ung mga lalake.
Ung totoo…kadalasan tlga s mga babae (not to generalize), hindi agad nagsasabi ng saloobin at minsan ang ccause ng kaplastikan…e kaw ba naman kung alam mo na pag me isang nakatalikod e paguusapan agad ng ibang babae, sino ba nmang d maiinis. Pati nabanggit na niya na mga kaibian nia sa labas lalake so siguro mas komportable siya pag kasama sila.
Kaso naman, maling mali siya maghandle ng away!
Si Nikka naman, ayaw sabihin ng deretsahan…nasa loob pala kulo…kung ayaw niyo ng plastikan, magsabi kau sa mga kasama niyo pero siyempre ung matinong pagkakasabi, di ung parang naghahanap ka nga away
ISANG MALAKING TSK!

YOKO NA DI NA KO MANUNUOD!

XD dapat magpakabait na sila! wahahaha…shet
PBB: Ano meron sa kabataan ngayon? Claire vs. Myrtle Edition
Eto ang pangalawang edition ng PBB: Ano meron sa kabataan ngayon? post.
Siguro pag tumagal tagal, wala na akong ipopost dito. Unang-una kasi, hindi ako nakakanood ng PBB dito sa lugar ko. Sa lahat ata ng regions ng TFC, dito lang sa Amerika hindi pinapalabas ang PBB (Not Sure). Pangalawa, so far ang mga away palang ang nakikita kong interesting sa current season ng PBB, dahil puro kalandian ang nakikita ko, bakit ko pa papanuorin? (Nasa unang post ang dahilan kung bakit pinapanood ko ang away sa palabas)
Ang didiscuss ko dito ay ang pangalawang away na naganap sa bahay ni kuya. Kasali nanaman si Claire sa away. Sobrang nakakainis ang inasal niya sa pangyayari. Kung baga, major turn-off ang reaction niya sa ginagawa ni Yves at Myrtle.
Myrtle and Yves:

Siya si Myrtle Sarrosa. Nang una ko siyang nakita, ang naisip ko agad ay ang cute niya. Morena-beauty. Kahawigan ni Devon Seron at ni Erich Gonzales. Sa totoo lang mas gusto ko ang natural look niya, pero ang cute niya pag nagcocosplay. Ate ng mga girls. According to Facebook posts mabait, malambing, matalino at talented daw si Myrtle. Very likeable. Ang pagiging lapitin niya ng mga lalake sa bahay ang pinagmulan ng away nila ni Claire.

Yves Flores. Gwapo. Ayan ang unang mababasang opinyon tungkol sa binatilyo. Marami agad ang sumubaybay sa PBB dahil sa kanya. Mukang marami sa mga babaeng housemates ang naggwapuhan sa kanya. Siya rin ang isa sa dahilan kung bakit nainis si Karen kay Claire. Siya ang main reason kung bakit nagalit si Claire kay Myrtle dahil sa paglapit niya sa cute cosplayer. Sweet siya kay Myrtle, eto ang nagcause ng pagseselos at pagkagalit ng French-Pinay sa cosplayer.
Ang Isyu:
Dahil sa pagiging sweet ni Yves kay Myrtle, nagseselos si Claire. Sinabi niya na dapat lumayo na si Myrtle kay Yves dahil alam naman niya na may gusto si Claire kay Yves at umamin naman siya sa nararamdaman niya sa ginagawa ng dalawa niyang housemates.
Nang mag-usap si Claire at si Myrtle. Sinabi ni Claire na gusto niya si Yves. Na “nag-fall” na siya kay Yves at dapat umiwas na si Myrtle. Kasama pa ng pagseselos ay ang problema niya sa ama. Dahil di pa niya nakikita ang tatay niya, hinahanap niya ang atensyon ng ama sa isang anak.
My Opinion:
Sa pagkakataong to, si Claire lang ang may mali. Naiingit siya kay Myrtle dahil gusto niya si Yves. Pero para sakin wala siyang karapatang magalit kay Myrtle. Na-inlove ka na? TALAGA LANG A. Sasandali mo palang nakikilala si Yves pero patay na patay ka na sa kanya. Nababalita pang may GF sa labas ni kuya si Yves. Makes it worse, doesn’t it? Kase kahit sabihin natin na di maiiwasang magkagustuhan ang mga housemates sa bahay ni kuya, maiintindihan ko pa kung matagal na sila sa loob. Sasandali palang sila pero kalandian na agad ang nakikita ko. Hindi ko alam kung baka nagkakaganto sila dahil sa level ng maturity nila, o talagang nagmamatindi lang ang hormones ng mga kabataan ngayon.
Balik tayo kay Claire. Alam kong naghahanap siya ng atensyon mula sa tatay niya. It could be a deeper reason kung bakit ganon nalang siya mag react. Kahit may mga kaibigan siya at may pamilya, hindi pa niya nasasatisfy ang hanap niyang specific na atensyon kaya naghahanap siya sa iba nito. Take Yves for an instance. Siguro si Yves ang nakita niyang nagustuhan niya at nang “inalagaan” niya ito habang nakablindfold pa ang mga lalake, inisip niya na i-rereciprocate ni Yves ang pag-aalaga niya. Dapat sa kanya ay kausapin ng resident psychologist at baka sakaling maintindihan ng lahat kung ano talaga ang problema ni Claire. Marami kasing maiinis sa kanya dahil sa ginagawa niya, lalo pa’t fan favorite si Myrtle. Nagustuhan ko naman ang pag-handle ni Myrtle ng isyu dahil kalmadong kalmado siya habang sinasabihan siya ng di maganda ni Claire.
Sa totoo lang ang liligalig ng housemates ni kuya. Parang masama pa atang pinagsama-sama ang mga teenager na to dahil sa inaasal nila.
Yung totoo, habang natagal ba ay lumalandi na ang kabataan? Still unsure, pero based sa nakikita ko sa palabas e tama ang hinala ko.

Kung may iba pa akong nakitang magandang bigyan ng opinyon sa palabas, siguro magpopost ako ulit.
PBB: Ano meron sa kabataan ngayon? Karen vs. Claire Edition
So karamihan ng nababasa ko ngayon sa Facebook ay tungkol sa latest edition ng PBB.
Di lang sa mga fanpages ng mga housemates q nababasa ang mga updates, pati na rin sa mga kaibigan ko sa Pilipinas, madalas akong nakakabasa ng mga opinyon nila patungkol sa palabas.

(binura ko ang sources ng status updates for the sake of anonimity)
There’s one thing common na napansin ko sa mga posts lately…
Ang word na…

Sa totoo lang, nang mabasa ako ng mga gantong post about the show nawala agad ang interes ko manuod ng latest season ng PBB. Nakakadisappoint kasi na 13-17 years old lang ang mga contestant pero ganon na agad ang mga ugali nila. What’s more disappointing e sa unang linggo palang ay may nagkakainitan na sa mga teenagers.
Ugali ko nang panoorin ang mga tidbits ng PBB kapag may nagtatalo sa loob ng bahay ni kuya. Kadalasan kasi, tinitignan ko kung paano hinahandle ng mga housemates ang issue, kung ano ba ang tama at mali sa magkabilang panig ng away. Alam kong late na itong post na to para pa pagusapan ang isyu. Kagabi ko lang pinanood ang away ni Karen at Claire. First off, sasabihin ko ang impression ko sa dalawa.

Karen Reyes- Hindi ko ipagkakailang maganda siya. Kahit walang make-up at bagong gising siya ay maganda parin. Walang effort ang kagandahan niya. Mukang mabait. Nung pinanood ko yung Episode 4 & 5 ng PBB, nainis ako sa paraan niya ng paglead sa mga kasama niya regarding sa ginagawa nilang sayaw. Maganda ang intention pero mali ang way. Alam kong gusto niya maging successful sila sa task pero hindi niya kailangan maging bossy sa mga kasama. May pagka-talakera o bungangera. Ayoko man siraan e ganon ang naging observation ko sa kanya. Sana lang mag-improve ang mga negative aspects sa ugali niya.

Claire Bercero - Una ko palang siya nakita, naisip ko agad kamuka niya si Megan Young. Tulad ni Karen, makatawag pansin ang ganda niya. Napansin ko sa kanya, malambing sa mga kasama, sinusubuan niya mga housemates niya at pinupunasan pag nakikitang pinagpapawisan, pero madaling makitang paglalandi o pagpapapansin ang ginagawa niya lalo pa’t sinabi niya na lapitin siya ng lalake at hindi niya makukuha ang magandang muka niya kung di dahil sa magulang niya. Ang tawag ngayon ng mga tao sa kanya ay “The Next Tricia Santos” dahil sa away nila ni Myrtle.
ANG ISYU:
Based sa nakita ko sa episode 4, nang una ay nagkainitan sila ni Karen dahil sa paglapit ni Claire kay Yves. Nagalit si Karen dahil nakikita niya na di nagseseryoso sa practice ang dalawa at sinabi na, “sige maglandian muna kayo ha?” Habang nakikipag-usap si Karen sa isa pang babaeng housemate, binanggit niya na inagaw ni Claire si Yves sa kanya. Dito palang, napaisip na ako, nag-kakaganyan sila nang dahil lang kay Yves? Pero di lang iyon ang dahilan, nabanggit din ni Karen na di niya magustuhan ang pagbibiro ni Claire dahil sa umpisa lang nakakatawa siya pero nang tumagal ay di na ganon ang pakiramdam ng mga jokes niya.
Ang malaking away ay nagumpisa dahil sa hindi sadyang pagkakalabit ni Kit sa puwitan ni Karen (although sinabi niya na sa likod ng hita siya tinamaan). Kinwento niya to sa mga babae at nang malaman ni Claire, pinuntahan niya si Kit para sabihin ang nangyari. Nagalit si Karen kay Claire dahil ayaw daw niyang lumabas na kabastos-bastos na babae.
Naiintindihan ko ang point ni Karen, pero ang reaction niya ang di ko nagustuhan. Nang lumabas si Claire para tawagin si Kit, nagsalita si Karen na NAPAKALANDI daw ni Claire. Yung totoo, ano malandi doon? Hindi masamang magalit si Karen kung sinabi ni Claire ang ayaw niya, pero bakit niya sinabihang malandi ang kasama niya? Dahil ba ang lumalabas e nagpapapansin lang si Claire? At kailangan bang sumigaw? Day 4 palang ganyan na sila, sasandali palang silang magkakasama, nagrerely nalang ba sila sa judgement nila sa mga naunang araw? Hindi ba pwedeng kilalanin muna?

Buti nalang at nagkaayos din sila at di tumagal ng ilang araw ang malaking away. Sa totoo lang, nakakadisappoint ang ginawa nila. Kahit onting taon lang ang tanda ko sa kanila (I’m turning 20 this year), di ako makapaniwalang puro kalandian ang nakikita ko sa bahay ni kuya. Sa totoo lang namimiss ko yung mga panahon na ang pinaguusapan at kahit ang pinagaawayan nila e ang isyu sa buhay o isyu sa bahay ni kuya. (Tulad nalang nang mag-away si Olyn at si Mikki sa unang PBB Teen). Wala pang 3 weeks ang palabas, ganon na agad ang nakikita ng mga nanonood ng tv show.
HOW DISAPPOINTING…
Pero ang totoo, marami din nag-eenjoy ang marami sa mga ganyang isyu. Anything interesting can be used as entertainment…
WALA NA TAYONG MAGAGAWA DOON.